Ang mga lenggwahe ng mga bading gayundin ng
mga tambay ay mabilis na naging popular at sumabibig ng masa. Ang katotohanang
ito ay hindi na nakakagulat sapagkat mismong ang mga taong lumilikha ng mga
imbentong salita ay mabilis din na dumarami.
Paglalarawan ito ng mabilis na
pagsulpot ng makabagong ideolohiya na patuloy na nagtutunggali maging sa
kasalukuyan kung kaya’t nagiging dahilan ito ng mga nalilitong kabataan na
mapasama sa mga makabagong tao ng henerasyon. Sa ganitong kalagayan, mapupuna
ang iba’t ibang impluwensiyang nagmumula sa mga nagdadala ng mga bagong
ideolohiya tulad ng mga bakla at mga tambay.
Magkaroon dapat ng disiplina at limitasyon
ang mga tao sa paggamit ng mga salitang ito lalo na kung pormal na pag-uusap
upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Sa paraang ito maiiwasan natin ang
hindi pagkakaintindihan ng dalawang tao na nag-uusap gamit ang di-pormal na
salita at pormal na salita. Mas mabuti rin na ilagay natin sa tamang lugar ng
usapan ang paggamit ng salitang “jejemon”
at “bekimon” upang hindi masamain ng kausap ang mga sinasabi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento